Monday, May 25, 2009

My little designer.

Dahil excited ako kay Emma, nagtitingin tingin na ako sa mga magazines ng kung anong magandang gawin sa mga kwarto.

Nakakita ako isang bedroom ng bata na may outline ng puno sa wall. So I asked little boy, kung gusto ba nya ng ganun. Ang kanyang sagot...

'No, I don't want that mommy! If my friends visit me, they will ask me why do I have a tree inside my room! They will say, "Why do you have a tree in your room?" It's not right to have a tree in your room mommy."

Ahehehe. Lalaki nga ang anak ko. Walang arte sa katawan. :p

Nung isang linggo naman, nagdrive kame around the neighborhood. Nagtitingin tingin kame ni mahal kung anong magandang kulay ng bricks. Out of the blue, bigla na lang nagsalita si little boy. 'Mommy, I want white bricks." At bakit white, tanong ko.

"I don't know. I just want white. Cause red bricks are boring."

Naku po nanang! Buti na lang kame lang nasa kotse at wala kame sa bahay ng aming mga friends na nakatira sa red bricks! Kundi baka napukpok kame ng mga bricks sa ulo. ehehehe.

So light colored bricks it is. (Wag naman white na white at baka magfeeling michelle obama ako nun!)

Then, napa flip ako sa isang page na meron wall decor na rusty effect. Ayaw raw nya nun. At sabi ko bakit na naman ayaw nya? Sabi nya "Cause its rusty. It's not nice mommy. My friends will say 'Ewwwww!So rusty!'" (Talaga bang dapat may say ang kanyang friends sa bahay namin? ehehehe)

Then he saw a page na meron malaking book shelves sa wall. Sabi nya gusto daw nya nun. Gawa daw kame ng library para sa mga books namin. Aba, pareho kame ng taste ng anakis ko! Eto ang inu-ungot ungot ko ke mahal na gawing project. Gusto ko ng wall to wall na book shelvings, di ko lang alam pa kung sa anong wall ko gagawin. ehehe.

Buti na lang ung bunso e wala pang say. Kundi pano na!

No comments: