Thursday, May 21, 2009

Aaactiioon!

My little bebe (who is not so little and not so bebe anymore) at 19months, still doesn't talk much. I can still count his words with my fingers. Delayed na sya kung ikukumpara kay little boy (kuya). Na syempre hindi ko dapat ginagawa di ba. :p

Anyway, kahapon nasa bahay kame ng isang friend. And ung friend ko meron 3month old na baby. Yun baby pa talaga. Sinilip lang namin sa room kasi tulog na. My little bebe, went to the crib. Tried to touch the baby, he looked at me, smiled and said..."bay-byyyy". Ay naloka naman daw ako! Marunong na pala magsalita ang little one! =)

Anyway... hindi pa un ang kwento ko talaga.

Nung pag uwi naman sa bahay, (excuse me sa mga nakain! medyo gross to... hehe) si kuya mag u-u daw. So sige, uu ang kuya. After nya, balik na kame sa mga gawain. Ako nasa dining table. Ung toilet, pag bukas ang pinto tanaw ung loob. Pumasok si little bebe, syempre pinapanood ko kung ano ang gagawin. Ang ginawa, naghubad ng shorts. Naghubad ng pull-up diaper nya. Pumasok sa toilet, kinuha ang stool, umakyat sa stool at pumusisyon na. Syempre at this point, sinabi ko na ke mahal na i-assist kasi panigurado sa liit nya, sho-shoot sa toilet bowl. Namangha ako kasi di ko pa sya ni to-toilet trained pero more or less alam na nya ang gagawin.

Pero syempre, hindi lahat ng kwento e happy ending. Ang siste kasi, naka uu na pala sya sa diaper. So, nung hinubad nya ung diaper, meron onti sumabit sa paa. Tapos naglakad sa toilet. So alam nyo na kung ano ang nangyari! Tapos, ng umupo sa toilet seat, alam nyo na rin malamang ang nangyari! In short, nagkalat sya. So, ung ang aking pagka-mangha e 50% dahil alam nya na ang gagawin at 50% sa tindi ng aking lilinisin! :p

Pero syempre, dahil ina ako nangibabaw ang aking pagkatuwa sa achievement ng aking iho. Hindi man sya magsalita, nakukuha naman sa gawa. Siguro paglaki nito, eto ung taong tinatawag na "man of few words." mwehehehe.

No comments: