Never let your child name your plant. Lalo na kung culinary plant ito.
I made that mistake at nakuuuu! pahirapan sa pagpapaliwanag kung bakit ko need gupitin mga dahon at isama sa luto.
Bumili ako ng Basil plant and little boy named it Alex.
Eto na, need ko magluto. So need ko pumitas ng dahon dahon ni Alex.
Ayayay! nagiiyak si little boy. Bakit ko daw ginugupit si Alex. Isusumbong daw nya ako sa pulis. At talagang hinahanap ang fon ko para tatawag daw sya sa pulis! Kawawa naman daw si Alex. Ni hurt ko daw si Alex. Hindi daw ako marunong mag take care.
So paliwanag ko na si Alex ay good plant. Willing sya bigay dahon nya para maging healthy and strong kame.
Mhuka naman nauto ko at ng matikman nya ang aking luto, e nakalimutan na nya si Alex. Syempre sabi nya best cook na naman ako. At bukas daw, iluto ko ulit si Alex! Nyahahaha!
At ang kanya naman tanong, kelan ko iluluto si Harry? (Ang aming cactus... ahehe, nawili!)
1 comment:
Cata, ano bang putahe pwede ang cactus? hmm, esep-esep. naimagine ko scenario niyo, share ko pa sa kasama ko sa office haha
Post a Comment