simple as 1, 2, 3.
1 husband, 2 hobbies(scrapbooking and gardening) and 3 kids(MRK). She used to live in the little red dot and is now living down under.
Tuesday, May 05, 2009
WS: ChikaTuesday - Commitment
Today in WS' ChikaTuesday : What’s your marriage proposal story?
Fine dining.
Expensive wine.
All dressed up.
On bended knees.
With the bling to match.
Nada! - Lahat wala nyan. Wish ko lang. Mwehehehe!
But still, di ko pagpapalit ang aking proposal story.
When : April 11, 2003
Where: Under the stars ( Kasi nasa roofdeck kame! Siguro kung di ako pumayag, e me balak syang ihulog ako. :p)
Why : Anong why??? Syempre, swerte na nya sa akin no! Mwehehehe... Syempre joke.... (And jokes are half meant. :p)
Why : (Serious na, promise!) At that time, me pinag-daanan kaming problema. Me isang nag maldita sa akin. Knowing me, papatol ako. Pero dahil inlababo ako sa aking mahal, sabi ko kung ano na ang desisyon nya, yun na rin ang desisyon ko. So, napagtanto nya na ako na ang the one... ika nga nya..."cause I now know that we can weather all storms together, kahit na pa it's you and me against the world!" Nakanaman! Yeabah! (Actually, I was giving him what you call "false-security". Kunyari submissive! Mwhehehe. Naway hindi sya nagbabasa ng blog ko. ahahaha!)
And so with glistening eyes (syempre, teary e!) I said, "you and me against the world ka dyan! Paalam ka muna sa mga magulang ko kaya!"
At ang kanyang sagot? "How ah, got SARS leh!" (Kasagsagan ng SARS, bawal malis ng gapor!)
E di may-i-long-distance na lang kame on the spot sa aking mga parentals.
Mahal : Pa, Ma... Hingin ko na po anak ng kamay ng anak nyo.
Mama : Wala ng solian ha!
Papa : Basta ang bilin ko lang, wag mo sasaktan ang anak ko at makakapatay ako.
Mama : Hay naku, tigilan! Ang tanda mo na para makulong.
Mahal : Wag po kayo mag-alala, aalagaan ko to. Kahit niw-wrinkles na ako sa kulit nito!
Mama : Oy! wag mo isisi sa anak ko yang wrinkles at dati na yang andyan!
Hay hay hay! Hangkukulit!!!
At asan ako ng mga sandaling yan, e asan pa...e di nagulong sa kakatawa! Hindi pa ko lumutang, kasi after 3 days ko pa napagtanto na nag-propose na nga sya! Ahehehe. :p
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
wagi talaga itong proposal story mo, haha! di ko pa rin talaga makakalimutan ang wrinkles comment ng iyong ina, haha! :D
layo na rin ng narating ng inyong pag-iibigan ha, dati sars lang ngayon may swine flu na. :D *muah*
Daig pa ang sitcom. The best talaga si Mama!
nakakatawa talaga kayo, LAH! :)
grabe cata, tawa ako ng tawa sa entry mo!!!
Hilarious and naturally sweet! I enjoyed every bit of your story! :)
hahaha! naaalala ko pa 'tong kwentong 'to. patawa talaga! :D
Hahaha! Ang kukulit! :)
Joey
http://www.joeymd.com
hi! natawa naman ako kasi it took you 3 days to realise that he proposed. :)
Hihihi, ang saya naman ng wedding proposal story mo! Dapat lang talaga may teary-eye effect. Hindi pwede mawala yun! Great WS post! :)
ngayon gets ko na san galing kakulitan mo, sa Mama mo haha lakas mang-alaska ayos!
Post a Comment