Wednesday, May 06, 2009

WS:FoodieWednesday

Wifespeaks: Foodie Wednesday

Wifespeaks - post a photo of food or share a recipe from one of the very many instances you and your better half celebrated your commitment to one another, perhaps from the day you said “Yes” to be hubby’s girlfriend (or was it the other way around?), the night your ex-boyfriend now hubby asked you to marry him, your wedding day, anniversaries, etc.



Why fruits? Because it reminds me of mahal's commitment to me.

Mahal is not a fruit eater. I don't think he knows the difference between a pear and a peach. But he will gladly climb the highest mountain and cross the deepest river to get the fruit that I crave for.

Syempre exag lang yan. Intro lang ba. :p

Kaya prutas kasi naalala ko lang na ng magka bunga" ang aming pagmamahalan nasukat rin kung paano kame ka-committed sa isa't isa.

Siyam na buwan akong miserable sa pagbubuntis dahil imbes na morning sickness, ang sa akin ay "whole day for nine months sickness." Kung kaya naman, ganun na lang ang pag-suporta ni mister.

Minsan ako ay nangasim at naghanap ng mangga, dali dali syang sa tindahan ay nagpunta. Nang umuwi, ayayay! Indian mango ang dala.

Mama: Hanovaaaah! Wala naman kaasim asim yan. (Sabay tawa ang aking mahal na ina!Buti na lang magalang ang aking mahal at hindi napatol sa nakatatanda na. ehehee)

At ng ako ay naghanap ng prunes. Dali dali ulit, sya ay kumaripas ng takbo patungo sa suking tindahan.

Mahal:(In his most confidence voice pa!) Oh ha! Eto na ako mahal. Dala ang iyong prunes. (Shows the fruit on his left hand.)

Simplymuah:Hanovaaaah! Hindi prunes yan! Dates kaya yan!

Mahal:(In his most confidence voice ulit!) I know, I know. Praktis lang. Hindi kasi ako sigurado. KAYAAAAAA! Binili ko pa tong isa. (Shows the fruit on his right.)

Simplymuah : Hanovaaaah! Hindi prunes yaaaaaan! Apricots yan! Makukunan ako sayo promisssse!

Mahal : Wag ganun! Halika, sumama ka na lang at bilhin natin ang prunes mo.

Simplymuah : Hmmm... ayaw ko na nun... Mangosteen na lang.

Mahal : JUSKOLORDDDD! Ano na namang prutas yun?

-------

After 9months of fruit guessing our little boy has arrived.

-------
**Present time**

Little Boy : Daddy, I want honeydew ang longan.
Little Bebe : Anana! Anana! (His first word, banana.)
Mahal : Juskolooord! Eto na naman kame.

4 comments:

meeya said...

cata, panalo ka talaga!! at panalo talaga ang asawa mo, hahaha! :D

wala kasi si allan nung nagbuntis ako kaya hindi ko siya naalipin ng ganyan. :P

wala akong masabi kundi, mahal ka talaga ng mahal mo. :)

Munchkin Mommy said...

cata, alam mo baliktad tayo. ang asawa ko pa ang nagmamakaawang magkaroon ako ng cravings! hahaha! wala talaga akong hinanap hanap noong buntis ako.

kamusta na ang fruit IQ ni mister ngayon? hahaha! :D

Twinkie said...

Sobrang aliw! Galing. :D

jen said...

Cata, napapahagalpak ako sa tawa sa entry mo! Talaga nga naman committed ang asawa mo na bigyan ka ng kasiyahan nung buntis ka.