simple as 1, 2, 3.
1 husband, 2 hobbies(scrapbooking and gardening) and 3 kids(MRK). She used to live in the little red dot and is now living down under.
Wednesday, December 28, 2005
ang mahiwagang band aid...
mula ng magkasugat si little boy sa kamay, para na syang na addict sa band aid.
gusto nya lagi naka band aid ang kamay kahit walang sugat.
pag me nakita sya na hawak ko na nadidikit, ilalagay na nya sa harap ko ang point finger nya. para palagyan ang tip.
nung isang gabi, nagpalagay sya ng band aid. tapos natangal ata. nung umaga na, kita ko ung kamay nya na me hawak hawak. so tinitignan ko kung ano un. ayaw ibukas ang kamay. ng makita ko kung ano un, ung band aid pala. buong gabi nya un hawak. weird.
tapos kagabi, ayaw nya saken sumunod. kasi gusto nya abutin ung gamot ko, e syempre hindi pwede.tinatawag ko sa kama, panay ang iling sa akin. ng kumuha ako ng band aid, winagayway ko lang sa harap nya tapos tumakbo na ko sa kama. aba parang mabait na tuta na sumunod sa aken. ganda pa ng ngiti. at kahit na ano pa iutos ko sinusunod.
hmmm.... ano kaya ang meron sa mahiwagang band aid?
Wednesday, December 21, 2005
the drill
e di ganun kame.. ilang ulit.. pag dating naman sa toilet ang gagawin nya lang e... "pffft.." para lang sya nags-spit na walang laway....
so napagod ang mommy, change the drill. kumuha ako ng plastic... at sabi ko dun sya mag suka....
little boy: mommy, suka meg...
mommy : (kuha plastic, lagay sa may bibig ni little boy)
little boy: "pffft..."
little boy: mommy, suka meg...
mommy : (kuha plastic, lagay sa may bibig ni little boy)
little boy: "pffft..."
little boy: mommy, suka meg...
mommy : (kuha plastic, lagay sa may bibig ni little boy)
little boy: "pffft..."
little boy: mommy, suka meg...
mommy : ayoko na... niloloko mo lang si mommy e....
little boy: "waaaaaaaarkkkkk" >> sumuka ke mommy
mommy : (WAAAAAHHHH! with suka all over.... )
huhuhu... huhuhu... at isa pang huhuhu.....
Monday, December 19, 2005
angels...
And out of nowhere, a stranger comes to you and re-affirms that yes, there is indeed a God…
mommy suka meg....
after nun kala ko okay na kasi active na naman ulit... tapos nagsuka ulit ng 10pm... =(
after nun nakatulog naman na... then kanina umaga pag gising, nagsuka ulit... kaya ang mommy, hapday leave na naman... buti na lang mabait si bosing....
ang aking little boy pagka-suka sasabihn nya..."mommy, suka meg...." with matching iyak... gusto ko sagutin ng..."anak, i know... kasi lahat ng suka mo nasa aken!" with matching iyak den.... waaahhh!
pag naging nanay ka talaga, mawawala ang dire mo sa katawan.... hayyyy....
Friday, December 16, 2005
bebe talk
para mabilis sya makapagsalita... at bago naman mag 1yo, nakakasalita na sya ng mga simple words...
ngayon, syempre nagt-try na sya ng mga longer words at sentences... nakakatuwa kasi buyoy. hihi...
tulad kagabi naglalaro sila ng tatay nya ng THE CLAW (from the movie of jim carrey. liar liar ata un...)
sabi ni little boy... "DADDY! AK LO!"
tapos pag niyaya nya ang daddy nya sa playground... "DADDY, EY WAWND!"
DADDY: Play
LITTLE BOY: Play
DADDY: Ground
LITTLE BOY: Ground
DADDY: Play Ground
LITTLE BOY: EY WAWND!
wehehe! hang cute! at syempre andyan pa ren ang kanyang, lolo lelet.... hindi po lelet ang pangalan ng lolo nya.. ang lolo lelet ay CHOCOLATE...
at ang walang kamatayang emplem... di po plema.. airplane yan...
nakakatuwa, isa to sa mga mami-miss ko pag buo na magsalita ang little boy ko at nagsasabi na sya ng "MOMMY! DI MO KO NAIINTINDIHAN!"
waaaaah!!!
Thursday, December 08, 2005
eri gud!
so gabi gabi, tuwing lalabas na si robbie ng room namen. lagi ko sya inuutusan magsara ng pintuan. at pag sinara nya syempre me very good...
kagabi lumabas si robbie, e busy ako dahil nagbabalot ako ng gifts di ko napansin.
ang ginawa ni little boy, sinara ang pinto... tapos sabi nya..."ERI GUD!" sabay palakpak....
wehehe.. purihin ba ang sarili?
sick and tired
sabi daw ng aking kapatid pag uwi ay..."mama, i am sick and tired of telling everybody that you are not my grandma...aiyoh..."
hahaha!
actually nakakapagod nga minsan pag napagkaka-malan kame na mag ina ren. lagi napagkakamalan na sya ang panganay ko... "geesh, mukha na ba akong me anak na 7yo?" pero actually pwede ko nga sya maging anak, kasi 22 na ko ng ipanganak sya. e mama ko nga 18 lang ng i-anak ako. oh di ba mas malaki pa agwat namen magkapatid kesa samin mag-ina. hehe...
Tuesday, December 06, 2005
=(
nalulungkot ako ang bilis ng panahon....
=(
Friday, December 02, 2005
eh com part 2
(oo walang katapusang pagbabalot!)
at syempre, si little boy nangungulit na naman...
little boy: mommy, enge tep... pleaths...
mommy : (gives the tape to little boy)
little boy: en ku!
mommy : welcome!
so binigay ko na nga sa kanya. e kailangan ko na ulit. so hiniram ko...
mommy : little boy, borrow ng tape si mommy please...
little boy: (gives the tape to mommy)
mommy : thank you little boy.
little boy: eh com!
nagulat ang mommy!!! tama ba ang narinig ko??? alam na ba nga nya gamitin ang welcome?
e di syempre para malaman e ulitin.... hiningi ko ulit ang tape...
mommy : little boy, borrow ng tape si mommy please...
little boy: (gives the tape to mommy)
mommy : thank you little boy.
little boy: en ku mmm boy...
NYAH!!! tsamba lang ata ung nauna... oh well, pwede na ren. not bad for a start. =)
*************
kagabi ren nag tayo na kame ng xmas tree. actually nag decorate, kasi last week pa ata nakatayo ung tree namen. ang katulong ko isang 7yogirl at isang almost 2yo little boy.
habang ako e nagsasabit, si little boy e panay naman ang tangal...
little boy : mommy, choose oh! (mommy shoes oh! [meron kasi parang boots na decor])
little boy : mommy, socks oh! (i-suot ang xmas socks!)
little boy : mommy, broom broom oh! (xmas train decor)
little boy : mommy, ball oh! (xmas ball)
at yung 7yo girl naman e kulang na lang sya ang sumabit sa xmas tree. hehe... gusto maabot ang pinaka tuktok at mga kadulu-duluhan ng xmas tree...
ang solusyon sa dalawang makulit na chikiting... BUBBLES! binigyan ko sila ng pang bubbles at ayun, maluwalhati natapos ang pag decorate sa xmas tree... =)
Thursday, December 01, 2005
eh-com
tinuro ko naman ang thank you... ngayon marunong na ren sya mag thank you... pag binigyan mo sya ng kahit na ano, sasabihin nya sayo... "en ku!"
kaya lang kagabi, nalito ang aking iho. nagbabalot kasi ako ng mga xmas gifts. tapos humingi sya ng tape...
little boy : mommy, enge tep... (scotch tape)
little boy : imme tep pleaths...( give me tape please)
mommy : (gives tape to meg)
little boy : en ku!
mommy : you're welcome!
little boy : mommy! eh-com! (Mommy! Welcome!)
little boy : eh-com!
little boy : mommy! eh-com!
little boy : enge pa tep...eh-com!
hay paktay! pano ko ba to ipapaliwanag???
Tuesday, November 29, 2005
PASKO NA NAMANG MULI!!!
hay kay tulin talaga ng mga araw.
last xmas sabi ko, mamimili na ko unti unti para pag dating ng pasko e di ako naghihikahos sa oras...oh well, 25days + before xmas e eto di pa ren ako kumpleto...
at nov 30 na bukas di pa kame naka-kabit ng xmas tree. every year kasi ako nagtatayo, kaya siguro walang nag-aatempt na iba sa bahay. sobra ren kasi busy... ang dami kasi dapat ayusin.. binyag, despedida, xmas party... sana magawa ko na this weekend... dahil pag hindi baka ako na ang isabit ng asawa ko sa xmas tree na nakatayo sa gitna ng sala namen without the borloloys. so imagine para kameng garden of eden na me puno sa gitna... hehe...
Monday, November 14, 2005
ni hao ma!
****
si little boy wawa naman, hanap ng hanap sa pet turtle nya. nawala kasi, di namen alam kung nasaan. nilalaro nila, tapos di na nakita. sabi ng nanay ko baka daw naglayas, pero kung naglayas man daw, wag kame mag-alala at dala namam nya bahay nya! nyah!
nagtext ngayon lang si mother, kagigising lang daw ni little boy, hanap daw turtle nya. huhuhu, buti pa ang turtle hinahanap nya ako hindi. pero sabi ni mahal, kagabi daw hanap ako ni meg, so sabi daw nya sumakay ako ng emplem (airplane). ang sabi daw ni meg, kasama ko turtle nya!WAAAAHHH! turtle talaga inaaalala nya.
oh well, sabi ko na lang ke mahal bilhan ulit si little boy ng isa pang turtle pag uwi nya ngayon galing office. para isa lang mamiss ni meg. ako na lang. hehehe...
****
tama ba to? obernyt kame ngayon sa opis.. hayyy... di makatarungan to... pero ok na ren, para busy ako at di ko nararamdaman na wala ang mag-ama ko... =(
di bale lapit na ko uwi.... tatlong tulog na la-ang!!!
Friday, November 11, 2005
ang fishBALLS ni MISTER
so eto ngayon, naghanap sya ng recipe sa net. nakakita naman. nagpabili ng mga rekado at gagawa daw sya. ang presyo ng isda $10 para sa 800 grams! gusto ko atakihin. sabi ko "mahal, di kaya ang dami ng fishball ang mabibili mo sa $10?" ang kanyang sagot,"iba pag gawa ko" .ok fine pagbigyan ang hilig. mahirap na kumontra at baka kotrahin ren ang mga pinamimili ko.
so luto sya. in fairness ayos naman. nagmuka naman syang fish ball... at lasang fish ball ren naman...
asawa ko : tikman nyo!
sis-in-law: ang alat!
asawa ko : pagbigyan nyo na, pers time e!
sis-in-law: ang alat nga e, pero ung sauce mo masarap!
asawa ko : alamak! eh yun pa ang di ko ginawa!
sis-in-law: bakit sino ba gumawa ng sauce?
simplymuah: ako.
sis-in-law: e kaya pala masarap yung sauce.
NYAHAHA! wawa naman asawa ko, apihin ba!
Wednesday, November 09, 2005
antibiotic
dahil sa UTI nya, under medication sya for a month. wala kameng hirap painumin sya ng gamot dahil ewan ko ba kung bakit gustong gusto nya ung lasa na un.
kagabi, pinainom ko na sya. at sabi nya... "mommy, moh (more)... gusto pa meg..."
syempre hindi na pwede. so tinabi ko na ung gamot sa table.
eto na, habang ako e nagpapaka misis at binibigyan ng massage ang aking hubby. biglang nanahimik si little boy. aba pag lingon ko, tinutunga na ang bote ng antibiotic nya!!! AIYOH! actually, di pala tinunga, kasi nagawa pa nya ilagay dun sa sukatan. ang talino talaga! wehehe...
nagagawa ko ng tumawa ngayon kasi hindi naman bumula ang bibig nya. pero kagabi natakot ako. e bago pa ung gamot, tapos naubos ung laman nung bote. pero muka naman di nya masyado nainom kasi ung kalahati nandun pa sa sukatan at yung kalahati e tumapon. aiyoh talaga!
ang side effect lang e kagabi bago mag 10pm e tulog na sya. wehehehe.
hay naku... good wife, bad mom. tsk! tsk! tsk!
Wednesday, November 02, 2005
eymo's song
"la la la la... eymo's song...la la la la... eymo's song...""
so pumunta kame ni meg sa room ni tita vanj. so syempre pasikat ang mommy,
"meg kanta ka nga..."
meg : "aaaa...in...." (to the tune of ikaw ang lahat sa akin.. nanonood kasi si vanj ng ikaw ang laht sa akin...)
oh di ba all around anak ko! mwahahaha
Monday, October 31, 2005
ang aking storage.....
after sa west coast, nag punta kame IKEA. binilhan ako ni hubby ng storage. kasi gulong gulo na sya sa mga gamit ko. hehe... as in ang tingin nya sa mga gamit ko for scrapbook e "scrap" na talaga. alam nya lang na malaki na investment ko dun kaya di nya maatim na ipagtatapon. so para di masayang binilhan nya ko ng storage.
actually, dapat table un. gusto nya ko bilhan ng corner table. so naka set ang puso ko sa table. ng nagtitingin tingin na kame, parang ibinabali nya ko sa cabinet.
mahal: tingin ko kailangan mo storage. (turo sa table na me mga cabinet sa taas)
muah : table na malaki need ko. ayaw ko nyan masikip tignan.
mahal: hindi masikip yan. kita mo ha, pag nakaayos gamit mo maluwag na ung table.
muah : pag andyan ang mga gamit ko masikip na tignan, mahirap na kumilos. i need space.
mahal: e me table ka na e, need mo lang i clear un.
muah : e kasi nga ung table ko manipis, so pag nilagya ko na ang 12x12 paper, + mga gamit na gagamitin ko nagmumuka syang masikip. kaya i need a bigger table. (inis na!)
mahal: e kasi nga lahat andun gamit mo pag na clear un luluwag na ulit un.
muah : ok fine, sige storage. (nagiinit na ulo!)
mahal: un ba gusto mo?
muah : e table nga gusto ko e... puro ka naman kontra. e di sige nga storage na lang.
mahal: di ako kontra. e ano ngang table gusto mo?
muah : ung ganun...(turo sa big table)
mahal: e di sisikip ka ren nyan. (oh di ba contra talaga sya!)
muah : e di sige storage na lang.
mahal: un ba talaga gusto mo?
muah : eeeehhh gusto ko nga table, kontra ka naman... ang kuleeet mo. (di ako nasigaw paliwanag lang ba.)
mahal: gusto mo kain muna tayo?
muah : sige.
after eating.....
muah : mahal tignan mo tong storage na to.
mahal: gusto mo nyan?
muah : sige eto na lang.
nyahahaha! mga gutom lang pala kaya di magka intindihan! pag uwi po naman inayos ko na ang mga gamit ko at pareho naman kame naging happy sa resulta! =) at kung hangang kelan maayos ang mga gamit ko e hindi ko alam. wehehehe...
Friday, October 21, 2005
sunrise...
DSCN3007
Originally uploaded by catamagcalas.
ang sweet ba?
sa totoong buhay, e pinilit ko lang si hubby na maki-pose saken...dahil matagal ko na gusto magkaron ng picture na ganyan! hehehe
pano uli?
DSCN3409
Originally uploaded by catamagcalas.
eto naman ang pano uli look...
pag sinabihan mo sya ng "pano uli?"
yan naman ang gagawin nya... tirik eyes sa corner!
hehe.. kulit ba?
the pa-pogi look...
DSCN3407
Originally uploaded by catamagcalas.
eto ang pa-pogi look ni little boy...
pag tinanong mo sya ng pano pogi? yan ang pose na gagawin nya...
pogi naman di ba?!
ang kumontra, pangit! :p
Monday, October 17, 2005
aw! aw! aw!
soske ang hirap!!! maghabulan ba daw kame sa loob ng kwarto! aiyoh!!!
at pag inabutan ko sya, kada gupit ko ng buhok nya umaaray sya.. as in "aw! aw! aw!"
wehehe... kala mo naman talaga nasasaktan!
gunting: (snip! snip! snip!)
little boy : AW! AW! AW! Mommy noooo!
Monday, October 10, 2005
back from korea...
ung unang gabi ko na wala ako, naku nagising ang aking iho ng alas-singko ng umaga... at naghahanap ng kanyang mommy... wawa naman sila =( wawa anak ko kasi nakatulog na sa kakaiyak, wawa ren hubby ko kasi di malaman gagawin sa kanya...
pag uwi ko, kasama si little boy na sumundo sa airport... tulog na sya ng magkita kame, pero nagising ng marinig ang boses ko, at syempre para syang nakakita ng malaking tsupon sa airport! hehe... "mommmyyy, dodo!"
3 araw lang ako nawala pero feeling ko biglang laki ang anak ko. dami na nyang alam. nakakasabay na sya ke barney...
barney: and in this farm, there is a cow... a cow who always say...
little boy: "mooh, mooh!"
barney: and in this farm, there is a duck... a duck who always say...
little boy: "quack, quack!"
barney : if you're happy and you know it clap your hands!
little boy : (claps hands!)
barney : if you're happy and you know it stomp your feet!
little boy : (stomps feet!)
barney : oh mr sun, sun mr golden sun!
meg : mmm shime dom me... (please shine down on me...with matching action.. )
nakakatuwa na sya! kaya naman fan na ren ako ni barney! hahaha!
kagabi bago matulog tinuturuan ko sya kumanta ng tong tong tong pakitong kitong...
mommy : tong, tong, tong, tong...
little boy : ton..... ton... ton... ton!
mommy : pakitong kitong...
little boy : iton... iton....
mommy : alimango...
little boy : mano...
mommy : sa dagat...
litle boy : agat
mommy : malaki at masarap...
little boy : arap!
mommy : mahirap hulihin...
little boy: rap uiiin....
mommy: sapagkat nangangagat!
little boy : agagagat!!!
malapit na sya maging big boy... huhuhu...
Tuesday, October 04, 2005
maligayang bati mahal!!!
mahal
Originally uploaded by catamagcalas.
HAPPY BIRTHDAY SA AKING PINAKAMAMAHAL NA DATU!
ANG HARI NG AKING PUSO.
ANG KULIIIIT! =)
Monday, October 03, 2005
parties!
binilhan ko ren sya ng snow white costume. yun gusto nya isuot, e di sige. sa lahat ng snow white sya lang ang maitim. wehehehe.... naturete lang ako sa mga nanay dito, iniiwan lang nila ang mga anak nila sa party. tinanong ako till what time yung party, ng sabihin ko na 4:30, dadaanan na lang daw nila ung anak nila ng 430. ung isa pa nga e sabi papadaanan na lang daw nya sa yaya nya ung anak nya. e DUH!!! buti kung kilala ko ang yaya ng anak nya....e ni hindi ko nga natandaan ung itsura ng anak nya. what if, tapos na ung party at wala pa yung yaya ng anak nya? e naglalabasan pa naman ung mga bata dun sa play area. aiyoh!
after ng party ni little sister, tumuloy naman kame sa east coast para sa party ni hubby. tuesday kasi papatak ang bday nya e, so in-advance na namen. konting bbq lang, munting salo salo at sandamakmak na beer. muntik umulan pero buti na lang di tumuloy. natapos kame mga 230 na ng madaling araw.kaya ayun, halos tulog kame maghapon.
parehong simpleng party lang pero parehong masaya. =)
Friday, September 23, 2005
cockroachman!
chick boy...
Monday, September 12, 2005
krrrinnng... krriiing....
ayan, me ang bday gift tuloy nya e telepono! hayyy.......... sa susunod, KUTOS na!
Wednesday, September 07, 2005
chinese garden, year 3....
Tuesday, September 06, 2005
big boy na!
di makali si little boy... ire dito, ire dun... ikot, ire... balikwas... ire...
wala naman ako naririnig na utot nya.. kala ko nahihirapan umebs... e di hinahayan ko lang sya mag-iire forever...
after mga ilang ire, siguro napansin nya na deadma lang ako... sabi nya saken..."mommy, gas... pooot!" na ang ibig sabihin ay, "mommy, hugas... ako e nag poop!" nakakatuwa kasi marunong na sya magsabi... 2x nya inulit un... e antok pa ko, di hindi ako kaagad nakabangon... ang anak ko talaga, napaka bait na baby, walang ka rekla reklamo.. natulog na lang ulit... kaya naman pag bangon ko para hugasan na sya e tulog na tulog na... kaya ng inupo ko sya sa toilet bowl, tulog pa ren! NYAHAHAHA! ang cute ng itsura...
***
sa zoo naman, (nag zoo kasi kame nung sabado) syempre panay kame... "meg, look oh..." sabay turo sa animals...
maya maya si meg sabi na ng sabi "look oh..." with matching turo sa kung saan.. un nga lang, turo sya ng turo kahit walang kahayupan! hehehe...
***
at ng mag punta namen kame sa party, dahil sa busy ako makinig sa instruction ng host, di ko napapansin ang anak ko pala e dinudukwang na ang fries na nakahain sa likuran ko! ahehe... kain na sya ng kain di ko pa alam... pwede na maglayas ang anak ko, di na magugutom! hehehe...
Monday, September 05, 2005
sale, sale, sale!
ayayay! NASIRA ang budget namen... nakabili ako ng 3 bulgari for women, 1 bulgari for men, 1 eternity for women at 1 burberry for men... pero ung sinadya ko na bulgari blu e hindi ko nabili! ahehe.
malapit na ko ibenta ng asawa koooo!
Friday, September 02, 2005
my little boy....
gusto pumunta ni little boy sa room ni robbie para makipag laro. e past 10 na un. me pasok pa si robbie kinabukasan. so, sabi ko hindi pwede. alah! ayan na, nagiiyak na! as in iyak na walang humpay! patigasan kame. as in tulo na uhog nya! yes, uhog na, hindi na sipon! sa sobrang pag iyak. mugto na ren ang mata. andun ako sa point na naiisip ko, ang simple lang naman ng gusto nya, ang makipag laro lang ke robbie, bakit diko pa maibigay, pero andun ren ako sa point na kung pagbibigyan ko, gagawin na nya lagi ang style na un. ang magiiyak ng walang humpay hangang maibigay ang gusto.
ang ending, nakatulog sya sa pag iyak. =( dumugo ang puso ko. gusto ko na ren umiyak. pero kailangan nya malaman kung sino ang masusunod sa bahay! at hindi sya un. hayyy.... ang hirap pala...
tapos nung umaga, normally, ako ang hahanapin nun. pag gising nya, nagpakarga sa daddy nya tapos tinignan lang ako ng deadma look. WAAAAH! hurt ako! nag-tampo ang iho ko!
pero pag uwi ko naman, balik mommy na sya uli. hayyyyy.... simula na ng pagdidisiplina...
***
sa ngayon, naka-kaaliw na si little boy kasi nagt-try na sya magkwento... ahehehe... un nga lang parang charade... brrromm.... brrrommmm... mommy.... bas... moon.... brrrooom brrroommm.... (na ang ibig sabihin sa aking pagkakaintindi ay "car, car! mommy sa labas may moon! car! car!) meron pa syang, pis... (sign ng pagpalo sa sahig).. palo... pis... mmm.. palo... (na ang ibig sabihin e, ipis! pinalo ko ang ipis!) ahehehe.... nakakatuwa...
me bago syang body part... LILI (kili-kili) at BUMBUM or PWETPWET! hehehe...
kakatuwa, nakakaaliw... pero NAKAKAPAGOD NAAAA!
wushuuuu....
mahal: napatulog ko si meg! napatulog ko si meg!
muah: HUWAW! ang galing ah! napatulog mo ng walang dodo. kung ako yan need ko pa sya padodoin.
mahal: nambola pa! oy, di ako tumanda ng ganito para mabola mo pa noh!
muah: wushuuu! nabola nga kita para pakasalan ako e!
mwehehehe..... feeling na naman ang asawa ko nyan na ako ang dead na dead sa kanya!
Thursday, September 01, 2005
nakaka-aliw, nakaka-inis...
a few weeks ago, naisip namen bumili ni hubby ng bahay... hay, hindi pala madali...
nung sabado na lang, para kaming naga-amazing race! kasi, ang dami namen appointment sa iba't ibang ahente.at ng dahil sa isang mokong na agent, ayun nasira ang sched namen. nagkanda late late kame. meron pa kame nakalimutan na isang ahente! nakakahiya talaga sa kanya... pero talagang nakalimutan namen... di kasi sya nasama sa list ng mga ime-meet namen. at dahil sa sobrang honest ng mister ko, pag kakita sa kanya, sabi ni hubs "sorry nakalimutan ka namen..." nyah! di man lang gumawa ng excuse. hehe...
magaganda naman ang mga bahay na nakita namen, pero wala pa ring katulad ung unang unang bahay na nakita namen. actually, ung una namen nakita, di sya maganda. yun nga lang, maluwag sya. malapit sa basketball court, at malapit sa daycare. hehe, ang babaw ba ng batayan namen?
nung second day ng paghahanap namen, ayayayay... muntik na ko atakihin sa puso... gusto ko tuktukan ung ahente. (same ahente na nagpa late samen) grabeng emotional damage ang ginawa saken! ang mga bahay na pinakita, josporsantisima! kahit na di ako claustrophobic e naku feeling ko naninikip ang dibdib ko sa mga units na pinakita nya! HAY TALAGA! tapos pa, meron syang isang bahay na pinakita. SEMI maayos naman, so ask ko kung magkano ang valuation nung bahay. ABA, hindi pa daw alam dahil nasa ibang bansa ang me ari. kung gusto ko daw e, mag offer muna ko ng presyo! ABA, gusto talagang makutusan ko! sabi ko nga sa asawa ko, ilayo layo saken ung mokong na un at baka di ako makapag pigil e!
tapos, kanina tumawag pa ang mokong saken! GRRRR, talaga! ask nya kung ano daw feedback ko sa bahay. sabi ko, me nakita na kame na gusto namen. better than what he showed us. para na lang di na sya mangulit nga samen. chika lang ba, na kunyari meron na kame nakita! hehe... ask nya kung saan area, so sinabi ko kung saan. ABA! ABA! ABA! pag initin ba uli ang ulo ko. ang dami pang sinabi, takutin pa ba ko. kesyo daw sa area na un e nag uupgrade, and as PR daw magbabayad daw ako ng $40k additional. e di hindi na nakapagtimpi ang ganda ko! sabi ko sa kanya, "I DON'T CARE ABOUT THE 40K, I REALLY WANT THAT HOUSE!"
MWAHAHAHAHA... oh di ba, feeling ang yaman ko! pero ang gusto ko lang talaga iparating sa kanya e, neknek nya! tapos nya ko bigyan ng emotional stress! HMP! san naman kasi ako kukuha ng $40K! hehehe...
hay... di talaga madali...
eto pala napansin ko, pag bahay ng mga pana... puro tiles, as in me arko sila sa bahay tapos puno un ng tiles... pati sahig nila ung tiles na maliliit. feeling ko tuloy pag pasok ko nasa isang malaking C.R. ako. hihi.... pag naman mga yalam, puro naman me mga column/pillar sa loob ng bahay. tipong kaliit liit na space e me pillar sa gitna... at ang kulay ng mga walls e yellow or orange... pag mga chinese naman, ang house maayos... PERO amoy insenso naman.... wehehehe...meron kami nakita na bahay ng pinay, me mga capiz sya at mga kutsara at tinidor na malaki na nakasabit sa dingding kasama ng mga miniatures na mga itak! ahahha.... nakakatuwa...
meron pa pala kame nakita na bahay ng pana, my gulay! 5 ang anak, ang gugulo! sabi nung owner, pag binili ko daw ung bahay me kasamang free na bata! NYAH!
at meron pang isang bahay na sobrang natuwa saken ung anak nila (3yo), sabi nya "auntie, tomolow you come back to my house, ok!" eto ay sinabi nya matapos nya ilabas lahat ng gamit nila sa kwarto at ipakita saken! whehehe... close kame!
nakakapagod!
Wednesday, August 31, 2005
ang aking pet loro
excited sya pag uwi ko... "ate, i have a gift for you!" (kasi bday ko ng sept) tapos di inabot na nya saken.... nung una di ko pa napansin... tapos... sabi ko open ko na, sabi nya up to you... sabay super smile pa...
and then.....
nung inoopen ko na... nakita ko sa tape, rub and peel, xyron....WAAAAAHHH! e di shock ang beauty ko, nakalimutan ko ang gift!tanong ko agad, "you used my things?" sagot naman nya,"ate, it wasn't me." so ako e pumunta sa mama ko at tinanong si mama, sabi ni mama, me
envelope lang daw sya na sineal. sabi ko e ma, naubos na ung tape. and sinasabi ko nga, na sinabi ko na na wag galawin gamit ko kasi nga, hindi ordinary tape or glue ang andun... tapos sabi ni mama e onti lang nga kinuha ko, and sabi naman ng papa ko, "e nakita ka ng bata e di ginaya ka. sinabi na kasi sa inyo na wag gagalaw ng gamit
dun."
muntik na ko atakihin! as in ubos ung tape!!!!
tapos pag akyat ko, humahagulgol na kapatid ko. =( ask ko si flo kung pinagalitan nya. di naman daw, tinanong lang daw nya. sabi daw kasi nga, it wasnt me, ask daw nya, are you sure? tapos lumabas na daw.
di sinundan ko sa room nya. mega ngawa. so ask ko sya
me: why are you crying?
meg sa background : y clyin?
robbie: i want to go back. (eto lagi panakot nya saken pag pinapagalitan ko. go back to philippines!)
me: answer my question, why are you crying?
meg sa background : y clyin?
robbie: it wasn't me ate. huhuhuhuhuhuhu....
me: i know it wasn't your fault.
meg sa background : um polt.
me: so, there is no reason for you to cry. i am not mad.
meg sa background : nah mad
me: i am not angry.
meg sa background : nah gagry
me: stop crying.
meg sa background : top clyin
grabe, halong shock dahil sa xyron, at aliw dahil ke little boy ang naramdaman ko kahapon. as in!
Monday, August 29, 2005
busy busy busy....
miss ko na ang blog ko... (na miss ren kaya ako ng mga readers ko, NAKS! feeling me readers! hehe.... KAWAY para sa mga readers!hahaha :p )
hay naku, ako e napapraning na naman... natuturete ako! ang dami ko gusto gawin, dami dapat tapusin, pero TINATAMAD AKOOOOOOO! hayyyy....
di ren naman namen maayos ni hubby ang mga dapat ayusin. hay, ang hirap mag isip. lalo na kung medyo major ang pagdedesisyunan. nuninuninu...
***
kaninang umaga, para na naman ako 7yo! kasi... kasi...kasi.... hinahatid pa ko ng papa ko sa sakayan! hihi... mabigat daw kasi ang laptop ko, kaya hinatid nya ko sa bus stop. tapos sya na nagbuhat. para kong bata! wehehe... hay, mami-miss ko talaga sila pag balik nila sa pinas... feeling papa's little girl na naman ako kanina... =)
***
dapat nagt-trabaho na ko e, bakit ba ko nagb-blog pa... WAAAHHH! tinatamad talaga ko mag work!!! HAYYYYY........
Friday, August 26, 2005
Seven Things
1. ang may masamang mangyari saken, kay little boy o kay hubby.
2. ang may masamang mangyari sa parents ko o sa mga kapatid ko.
3. ang sumabit ang program ko -- na ngayon ay kasalukuyang nangyayari na!
4. mag november na - kasi uuwi na sila mama, at papasok na ng day care si little boy.
=( mami-miss ko sila. huhuhu
5. change.
6. makapag asawa ng MALDITA ang anak ko! haha.... oo paranoid ako, feeling ko kasi lalaking mabait ang anak ko kaya gusto ko e mabait mapangasawa nya. hehe.
7. ang mambabae si hubby - alam ko kasi na di ko sya kaya patawarin kahit na isang beses lang yun. kahit pa sabihin ng iba na "alang-alang" kay little boy.
seven things i like the most
1. shopping - sino ba ang hindi?
2. cooking
3. picking up new skills - pwera sa programming. wala ata talaga dito ang puso ko.
4. scrapbooking.
5. mangarap ng gising! hehe
6. mangulit
7. reading mags
seven random facts about me
1. mababaw.
2. maldita.
3. makulit
4. praning.
5. iyakin.
6. matampuhin.
7. masungit.
seven important things in my bedroom
1. marriage cert
2. pictures
3. scrapbooking things
4. PC
5. hairdryer
6. make up
7. documents
seven things i plan to do before i die
1. visit egypt
2. go to hawaii
3. have 2 more kids
4. secure meg's future (syempre ung 2 kids den, as of now si meg pa lang)
5. secure my parent's retirement (kung mauuna ako sa kanila)
6. secure robbie's educational fund - un lang nag makakaya ko bigay sa kanya.
7. make sure that my bro is stable.
seven things i can do
1. i can cook.
2. i can bake.
3. i can draw/paint/sletch -- well, i think so. :p
4. i can dance.
5. i can write programs.
6. i can sew.
7. i can get mad real bad.
seven things i can not do
1. give birth naturally. huhuhu...
2. touch a worm. mamatay na! pero di ako hahawak nun!
3. resign!
4. forgive and forget. - i can forgive but never forget.
5. ipasawalang bahala ang magulang at kapatid ko.
6. ang mangaliwa.
7. ang magpakapait ng lubos.
seven things that attract me to the opposite sex
1. smile
2. manamit
3. sense of humour
4. any talent
5. sweetness
6. pagka responsable
7. me sense kausap
seven things i say the most
1. meg, kiss mommy!
2. ayan, kasi!
3. tsk! tsk! tsk! i told you.
4. okrayan na!
5. mahal, date mo ko!
6. go for gold!
7. love you mahal... love you meg
seven celeb crushes
1. colin
2. george clooney
3. si joey ng friends
4. jay manalo
5. gary estrada
6.
7.
seven people i want to take this quiz
1. pazette
2. sookie
3. tin ni ronald
4. roslyn
5. ana
6. master
7. steph
Wednesday, August 17, 2005
scrapbooking sisters
pag dating ko ng bahay kumatok ng room ko ang aking sister (6yo) sabi nya, "sister, can you decorate this picture please."(touch ako, ibig sabihin nagugustuhan talaga nila ang gawa ko.hehe) sya at si meg ang nasa picture.
kinuha ko na ung picture sa kamay nya, then naisip ko, why not let her decorate it. so tinanong ko sya, gusto mo ikaw mag decorate? ala! nag twinkle ang kanyang mga mata. hehe... so pinaupo ko sya sa table ko (normally, off limits ang table ko! :p) ask ko sya, what color do you want to use? syempre sa dami ng papel ko, di nya alam kung ano pipiliin. sabi ko look at the picture, there is blue, yellow and white. choose one. (mag lesson ba! haha) so pinili nya yellow, kulay ng damit nya. syempre ang pinili kong cardstock ung mumurahin lang muna! hehehe...
tapos dinikit na nya yung picture, then ask ko sya, ano pa gusto nya ilagay. sabi nya, flowers. so nag punch kame ng flowers. sabi nya, sister, can you make four flowers please so that i can put one in each corner. naks! marunong gumamit ng corners. =) then ask ko kung ano gusto nya lagay na title. ROBBIE and MEG daw. so tinuruan ko sya mag sizzix. nag cut out sya ng ROBBIE (in pink) and MEG (in blue) tapos ung corner ng papel, ung sa taas nilagyan nya ng R, ung sa baba nilagyan nya ng M.
ok na sana... kaso, tinanong nya kung ano daw ung mga colors sa table ko. (chalk)so sabi ko, chalk yan. ask sya, how do you use it? (read as : I want to use it.) so tinuruan ko, yun na ang simula ng wakas! hehe... kinulayan nya mga letters, at dahil chalk nga so nag mukang messy. =( e nakita ko sa mukha nya na nalungkot sya bigla. kasi daw so messy ng gawa nya. sabi ko, "never mind, when i did my first LO it was also very messy" at ang kanyang sagot, "CAN I SEE YOUR FIRST LAYOUT?" nyah!!! hindi mauto. change topic agad!!! never mind dear, tomorrow you make another one. then you try to make one that is cleaner. ok? sabi nya. OK. whew! buti nalang lumusot. hehe. gusto nga nya baguhin ung LO nya pa, sabi ko na lang keep namen kasi un ang first gawa nya. buti naman pumayag.
natuwa ako. kasi dalawa na kame nagsscrap sa bahay! hehe... at least masulit na mga pinamili! hahaha (patulan ba ang 6yo!)
http://community.webshots.com/album/151287154UGXhAB >> sample LO's! =)
Tuesday, August 16, 2005
mabait daw ako...
Friday, August 12, 2005
hug me tight...
Thursday, August 11, 2005
half cook...
Monday, August 08, 2005
kuya na si little boy.
ang cute cute, liit liit. na miss ko tuloy ang me bebe. pero di pa ko ready uli mag isa pa, makiki bebe na lang muna ko.
natutuwa ako ke little boy kasi ang gentle nya sa bebe. di nya pinangigilan. tino-touch nya lang gently. as in ingat na ingat sya sa baby. naiiyak nga ren lang sya pag umiiyak si eryne. nakikiramay baga! hehe.
bait ng little boy ko. oh well, kanino pa ba magmamana ng kabaitan yan e di.... sa tatay nya! hehe.
karma
at dahil sa kung ano ano naiisip ko, nakarma ata ako. bigla ba naman nag sneeze! ayayay! scattered rain showers! WAAAAAHHH! hay naku, halos matuklap ang balat ko sa pagpunas ko. syempre lumipat na agad ako ng upuan. gusto ko sana ibigay na sa kanya ung panyo ko kasi malinis naman ung panyo ko, kaso baka pag singa nya isoli pa saken! yuckkkkk.... kadere!
hay naku, karma talaga....
Friday, July 29, 2005
TAG, You're IT!
WHAT ARE THE THINGS YOU ENJOY DOING EVEN WHEN THERE'S NO ONE AROUND YOU?
1. scrapbooking -- eto talagang enjoy kung walang istorbo!
2. reading -- kahit na iwan ako buong araw basta me babasahin, ok na ko.
3. dancing -- oo nagsasayaw ako kahit mag isa. flip ano!
4. cleaning -- oh well, pag sinisipag ako. mas gusto ko mag-linis talaga pag ako lang mag isa. naguguluhan kasi ako pag me ibang tao. pag me ibang tao, di na ko nakakapaglinis, taga mando na lang ako! hehehe
5. cooking -- Too many cooks spoils the broth!
WHAT LOWERS YOUR STRESS/BLOOD PRESSURE/ANXIETY LEVEL?
1. scrapbooking. nakaka wala talaga ng stress.
2. shopping. un nga lang asawa ko ang nas-stress pag nags-shopping ako! hehe
3. listening to little boy. aliw na aliw ako magsalita si little boy. tinkle tinkle little tar!
4. ang aking makulit na asawa. kahit na anong inis ko, pang nangulit na kailangan bumaba na ang aking blood pressure, dahil kung hindi, lalo lang ako maha-high blood sa kuliiiiit!
5. reading. pag nagbabasa kasi ako, me sarili na kong mundo.
TAG 5 FRIENDS AND ASK THEM TO POST IT IN THEIRS?
1. sookie
2. roslyn
3. masterofpuppets
4. cez
5. jeanny
Tuesday, July 26, 2005
tuliro....
Sunday, July 24, 2005
Friday, July 22, 2005
Engagement Encounter
aalis na kame bukas para sa engagement encounter. oo, engagement encounter. required kasi, para sa tsurts weyding. huhuhu. maiiwan si little boy for 2 nights. =( hiwalay ren ang room namen ni hubby dun. =( mental torture.
ika nga ng gaporean...aiyoh! what to do leh! just go lah! see how mah!
Friday, July 15, 2005
mommy, pliths....
para hindi nagwawala pag me gusto makuha. ngayon semi alam na nya na pag kailangan nya ng something, he has to say please. un nga lang.... ang kanyang please e nagiging pliths.
ngayon, iniisip namen pano naman namen gagawin na sometimes, di gumagana ang pliths. kasi me mga bagay na di pa ren nya syempre pwede hawakan tulad ng gunting or gamot or mainit na bagay. ang hirap kasi tangihan ng kanyang..."mommy, plitthhsssss...."
Wednesday, July 13, 2005
pers kiss
sabi nya... "ate, ate! you know yesterday, my classmate kevin, go and kiss me!" syempre na shock ako! at ang akin lang nasabi ay...."oh really?!"tapos tinawag nya si flo, sinabi nya uli yun. sabi ni flo (joking tone)"aba! lokong bata yun ah! dapat e panagutan nya ang ginawa nya!" ang sagot ng kapatid ko..."but kuya flo, in the school bus , i go and kiss him too!" ayayayay!
(pampalubag loob, sa cheeks lang naman daw!)
di ko alam sasabihn ko, kasi nabigla ako.... (sabi ko lang, "papa kiss ka na e kailangan mo pa utusan para mag toothbrush!" hehehe, opo alam ko wrong answer!) pero pano ba talaga to? naisip ko kasi kung papagalitan ko, baka matakot na next time magsabi at itago na lang kugn ano kalokohan na gagawin. ang sabi ni flo, "it's okay. it is just a goodbye kiss." para daw mawala ung malisya nung bata about kissing.
ayayay! pano ba to?
Monday, July 11, 2005
bahay kubo
Bahay KUWBO, kahit MOWNTI,
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, TAPANI
Kundol, PATOWLA, upo’t kalabasa
at saka mayro’n pa, labanos, MUSTAFA
sibuyas, kamatis, bawang at luya
at sa palibot nito’y puno ng linga
** Sammi is the 3yo daughter of Bon and Tessa**
Monday, July 04, 2005
i can read your mind
papa : huh?
robbie: cause i can see your brains... through your big nose...
Tuesday, June 28, 2005
batman
bakit ganun, kailangan ba talaga maging husky boses ni bruce wayne pag nagiging batman? e di ba nd naman sya nagttransform? i mean, nagco-costume lang naman sya a, so what's with the husky voice?
and talaga bang tabingi mag ngingiti si katie holmes? o iniisip nya so papa tom, kaya ganun sya ngumiti?
gwapo sana si Christian Bale, pero parang kulang sya sa panga para sa batman. and ayaw ko ren ng ngipin nya. parang pustiso na ewan.
pero ok na ren. maayos ren naman sya.
Monday, June 27, 2005
chickboy
****
nag atend kame ng children's party kahapon.
nakakatuwa na panoorin si little boy. nakikigaya na kasi sa mga ibang bata. un nga lang, marunong na ren magsabi kung ano ang gusto nya, tulad ng makita ang pool, "mimming" daw sya. (swimming) pinagbigyan namen at maaga aga pa naman nun. nakakatuwa sya kasi careful den sya. hindi basta basta natalon sa tubig. binabaybay muna ang mga gilid gilid.
nung nasa party na, me sinusundan si little boy na 5yo girl. maputi, maganda, mahaba ang buhok. naks! me taste ang anak ko. at mega pa cute pa sya. pa smile smile at me pa taas taas pa ng kilay.... huwaw! chikboy in the making.... yun ang akala namen! e kaya pala nya inaaligiran yung bata e kasi, type nya..... type nya ung lollipop na hawak nung girl! ahehehe. ng maupo ung girl, nasunod ung mata nya sa lollipop at hindi nakapagpigil at dumila sa lollipop! aheheheh. buti na lang mabait ung kid, at hinayaan nya na share sila sa lollipop. nakakatuwa, kasi sinusundan talga ni meg ung lollipop. as in, nakalabas pa dila! kulang na lang tumulo ang laway! hehe. PG!
mukha lang nasobrahan sa pagod, at ng tulog na e bigla bigla na lang nagsisigaw... baka napapanaginipan na inaagawan ng lollipop! hehe...
****
Friday, June 24, 2005
yummy!
hindi ata ako narinig, sabi nya "what?" so inulit ko, pero sa kadahilanang pagkain ang nasa isip ko ng mga oras na un, ng inulit ko... ang aking nasabi ay "you look yummy!"
nyahahaha!
nakakahiya! blush! blush! siguro nasa isip nya tibo ako. ahehe. pero buti na lang babae sya, imagine kung lalaki un at sinabihan ko ng "you look yummy!" wahehe. yari na.
nagulantang si officemate. sabi nya uli, "huh, what?" sinagot ko sya ng..."er.. cause ur wearing pink. like strawberry ice cream!" Yaiks! wrong answer pa den. ahehe.
Thursday, June 23, 2005
2ndanniv
nagcelebrate kame ni hubby ng aming 2nd year anniversary last june 17.
it was simple and sweet.
nagpunta lang kame sa changi beach park. naglatag ng aking sarong. at kame ay naupo sa tabi ng dalampasigan. nagbaon lang kame ng honey pork ribs. plus wine and cheese. at habang kame ay naka-upo sa dalampasigan, kami ay nagbibilang ng mga eroplanong nagla-landing. una takot pa si little boy, pero ng nagtagal nag enjoy na ren sya sa mga "emplem"(airplane). hindi namen alam kung bakit sinama namen si little boy. normally naman nakaka pag date kame ng kame dalawa lang. pero that time, we just felt na need namen isama si little boy. need namen sya isali sa celebration.
pinagusapan namen ni hubby ang nakaraang taon. at pati na ren ang mga susunod pang taon.
nakakatuwang isipin na kumpara sa unang taon namen, mas nag improve ang samahan namen. mas open na kame ngayon. mas nakakapagusap na kame ng maayos at higit sa lahat marunong na kame makipag compromise ng bukal sa loob. hehe.
it was a good year.
Tuesday, June 21, 2005
diet at iba pa
pag dating kasi ng 11, nagugutom kame uli at nags-snack.
kagabi nagutom na naman kame e pareho na kame nakahiga.
hubby: gutom ka.
me: oo.
hubby: me pagkain ba sa baba? (nasa 3rd flr kasi kame)
me: me salad sa baba.
hubby: ayoko maasim un e.
me: maasim? bakit naman maasim? macaroni salad un. hindi un maasim.
hubby: maasim nga un.
me: hindi nga maasim un. kulit mo. bakit naman aasim ang macaroni salad?
hubby: sige nga kuha ka nga.
me: maasim un e. :p
***
tsk! tsk! delikado kame ke little boy. mukang walang hilig mag-aral.
kagabi, nagdo-doremi sila ng daddy nya.
dad: do
meg: do
dad: ree
meg: ree
dad: miii
meg: miii
dad: faaaa
meg:faaaa
dad: sooooo
meg: sooooo
dad: laaaaaa
meg:laaaaaa
dad:tiiiiiiii
meg:tiiiiiii
dad:dooooooooo
meg:doooooooo
dad: ok! numbers naman.... 1,
meg: (deadma)
dad: 2
meg:(deadma uli)
dad:3
meg: (deadma pa rin)
ok, sing uli...
dad: do
meg: do
dad: ree
meg: ree
tsk! tsk! itigil na kaya namen ang educ plan nya at kumuha na lang ng share sa ryan cayabyab music foundation???
***
Friday, June 17, 2005
stupid me
kanina umaga, sinend nya saken ang aming website at pina click ung picture namen. pag click ng picture, me mag-uupload ng HAPPY ANNIVERSARY!!! (500x! hehe, over. hindi ko binilang, basta puno ung page.)
pag dating ng hapon.... nagpadala sya ng e-greeting. pag open ko, meron lyrics at instrumental. so kinanta ko ung lyrics, sinabay ko sa instrumental. ewan ko ba naman, kung bakit pag dating sa gitna/chorus ng instrumental ang pumapasok na lyrics sa utak ko e... "Oh, what's love got to do with it...What's love but a second hand emotion...What's love got to do with it....Who needs a heart...When a heart can be broken... " ni tina turner...
eh kaya naman pala........ hindi pala song ung pinadala nya kundi poem! at background music lang ung instrumental.... AIYOH!!! nasira tuloy ang sweetness na hatid ng asawa ko! haha.. tanga ko kasi....
anyway, here is the poem... and try to sing it to the tune of What's love got to do with it! haha
loving you your loving me
loving you
is the music i hear
in my dreams my love
you will always appear
loving you
is my one special prayer,
to awaken and find,
love that you're here.
loving you
all clouds disappear
for being with you
makes my heart sing with cheer
loving you
morning, noon and at night
first sign of daylight
oh so early and bright
loving you
as the sea beats the shore
my angel my love,
its eternally you, i adore
loving you
at my life's very end
i'll be right back my love
as an angel to tend
loving you
this anniversary you'll see
that i feel this much love
just from you're loving me.
****
HAPPY ANNIVERSARY MAHAL!
****
Thursday, June 16, 2005
2ndanniv
2 years of being married.
1 year of being parents.
and still so much in love! hihihi....
2 years na kame bukas ni mahal. pero parang kelan lang. sabi nga ng kuya nya, 23 na lang silver wedding anniversary na namen. tama ba naman un? pero tama nama sya, galing sa math! haha...
well, for our 2nd year, eto regalo saken ni hubby. actually, hiningi ko yan! :p kasi for a certain amount, me 6 free make up lessons na. tuwa ako sa kit, kasi kumpleto na sya. meron para sa mata, cheeks and lips. and super simple ng effect. ewan ko lang ung lessons nila kung maganda, hindi pa kasi ako na-attend. baka kasi kada lesson ko e alukin ako ng product nila. e naku, hirap ako tumanggi! hihi
Wednesday, June 15, 2005
angbatya
si little boy, pag sinabi mong ligo or take a bath, tatakbo na yan sa bathroom. yung takbo na parang natataranta pa. or basta makita nya kame na pumasok sa bathroom, susunod na ren yan. ganyan sya kahilig maligo.
ewan ko ba naman kung bakit ng umuwi kame sa pinas, nagiiyak sya tuwing liliguan namen. parang kinakatay na biik. as in nagawa na namen lahat, ipasok lahat ang toys, kumanta ako, magpatawa ang daddy nya. wala pa ren. siguro dahil mas madilim, mas maliit ang bathroom. hindi namen alam. pinagswimming na nga namen sa drum, ngawa to death pa ren...
so naghanap kame ng way, ayaw ko naman ma trauma anak ko sa pagligo. baka kasi matakot na maligo kung sa tuwing maliligo sya e magiiyak.
ang sagot...ang wonder batya... ayan ng inilabas namen sya sa likod nila flo at nilagay sa batya, hindi na sya umiyak. happy na sya uli sa pagligo. un nga lang umiiyak naman after kasi ayaw na umahon. hehe...
ayan ang aking iho at ang kanyang mahiwagang batya....
(me picture den ako na nasa batya ako kasama ng mama ko.... ayaw ko ren kaya maligo sa bathroom noon? hehe)
Tuesday, June 14, 2005
sleeping....
so pano pa sya matutulog ng 10pm? ang tulog na nya uli minsan past 12 na. aysus....
sabi ni hubby, wag daw patulugin ng 5pm. e mapipigil ba un? cranky na pag hindi nakatulog. pag naman hindi mo pinansin, mahihiga at tatapikin sarili nya. (independent!)
ginawa ko, bumili ako ng mga vcd... para manahimik sa isang tabi.. hoping ako na antukin sya.. naman! naman! antok na kame mag-asawa sya hindi pa ren...
in fairness naman, sa loob ng 1year at 5months, ngayon lang kame pinuyat ni little boy. mula pagka bebe, e good boy sya. as in aga sleep at direcho umaga pa.
oh well, sana phase lang ito.
Friday, June 10, 2005
kapraningan
hubby: bakit mo kinawayan ung driver? mukha kang sira! (halakhak! hagikgik! at halakhak pa!)
me : pagod na un. at least sa kaway ko nabawasan pagod nya! hehe
hubby: mukha kang sira. (halakhak! hagikgik! at halakhak uli!)
me : di naman nya ko kilala e. (halakhak! hagikgik! at halakhak ren!)
hubby: e para kayang eto ang ruta ng bus na un. e di dadaan uli un dito
me : e ano naman?(halakhak! kagikgik! at halakhak ever!) kita mo ha. pagod na ung tao. tapos me kumaway sa kanya. di napangiti sya. ngayon magddrive na sya ng nakangiti. better than naka kunot nuo nya di ba?
hubby: para ka talagang sira(halakhak! kagikgik! at halakhak to the max!)
me : kita mo, tayo ren. kesa hinihingal hingal tayo palakad pauwi, napasaya tayo ng aking
munting kaway. kanina pa tayo tawa ng tawa. masaya ang ating paglalakad. si mamang driver, tuwing mapapa-stop sa traffic light un, hindi na sya maiinis. mapapangiti na sya kasi maalala nya ang aking munting kaway?
hubby : eh kung ma inlove sau si driver?
me : ngak! hindi ba nya nakita na naka angkla ako sau?
hubby : muka ka talagang sira!(halakhak! kagikgik! at halakhak pa with matching pamumula na sa kakatawa!)
*** hehe, wala lang. dumali na naman ang aking kapraningan. pero nagtataka lang ako, bakit kaya sa asians ano nginitian mo ang kasalubong mo, isipin praning ka. nagpunta kasi ako sa dallas dati for a 3week training. as in sa supermarket/grocery/car park, pag me nakakasalubong ako all smiles sila with matching good morning pa! or minsan nga ask pa nila ko..."how you doin?" (oo mala joey ng friends!hehe. uy, di kaya they were trying to check me out? hahaha. ) parang magaan kasi ang feeling pag naka salubong ka ng naka ngiti di ba (oh well, unless ngiting me pagnanasa ang i-flash sau. hehe) wala lang para lang ang sarap isipin na mababait lahat ng tao. =) ***
Monday, June 06, 2005
madagascar at iba pa
and i am very proud to say, that he finished the movie!!! hindi nagluko, hindi nag-ingay. nangulit nga lang sa katabi. pero hindi namen kasalanan. promise! eh kasi ung babae na katabi namen, tama ba na mag text sa loob ng sinehan, e di ang liwanag nun. so na di-distract si meg, sabi nya sa babae...."hello... hello...hello..." (kasi si meg, naghe-hello pag nakakita ng fon) and everytime na magtetext ang girl, sinasabihan sya ni meg ng "hello... hello...hello..."
and every 5 minutes, nahingi sya ng dodo. at dahil ang motto ni meg e why settle for less when you can have the best, syempre ayaw nya sa bote dumede. gusto nya saken. kaya ayun, every 5min, may i show ako ng aking boobs. hehe, syempre di naman kita kasi madilim naman sa sinehan. at pag napasabay pa ang kanta nila alex e naga snap si meg ng fingers habang na dodo. hehehe...
after the movie, hinayaan namen si meg maligo sa fountain sa bugis. marami kasi naglalaro na mga kids, so hinayaan ren namen si meg. nung una ayaw pa nya. aba ng mabasa na, ayaw na umalis sa tubig. sayang lang wala ako dala camera. =( after nya maligo, ung mga tao tuwang tuwa ke meg. kasi nga ayaw na umalis dun e sya pa pinaka maliit. nilapitan pa kame ng isang kano at kinausap kame at tuwang tuwa sya. pumalakpak pa nga sya ng mabihisan namen si meg. kasi naman ayaw nga magpabihis, tumatakas pa samen para bumalik sa fountain. hehe
ayan ang aming sabado. wholesome masyado. baby's day out. =)
** meg's new song **
me : tap your sticks in the air, with a one...
meg : tu, tee (two, three)
me : tap your sticks on the floor, with a one...
meg : tu, tee (two, three)
**meg's new game **
me : saw, saw suka mahuli taya! si meg naman....
meg : (to the tune of saw saw suka) taw taw na na nana na ya!
(with matching action pa na nanghuhuli ng daliri nya. hehe)
**meg in church**
aleluia! aleluia!
meg : luya! luya!
Friday, June 03, 2005
episode 3
nanood kame ng episode three ni hubby nung wednesday.
ok naman sya. worth it na sya para sa $15.00 na date.
un nga lang me mga lines ako na hindi gusto... like.... "anie, you're breaking my heart..." parang hindi bagay para sa movie.. syado mushy.... hehe... and di ko ren like ang..."i lovedddd youuuu!!!" (obiwan to anie - parang hindi jedi e. iba naiisip ko... haha!)
pero oks naman sya. nakakalungkot nga lang. di na ko magkkwento masyado kasi baka marami pa di nakaka-nood.
Thursday, June 02, 2005
meg2
unti unti ng nakikipag communicate si little boy samen. nakakatuwa. nauutusan na sya at alam na ren nya kame utusan!
taas! >> akyat na sa room
baba! >> baba sa sala
ga! >> higa sa bed.
dodo! >> feeding time.
bahuuu! >> me pupu.
poot! >> umutot sya.
poot, bahuu! >> umutot sya at me kasama na. haha
pen >> open
tusss >> shoes
lawww! >> ilaw
tat >> cat
bed >> bird
fisss >> fish
dod >> dog
ber >> bear
kek >> cake
vee >> T.V.
boh >> ball - first word nya
brom-brom >> car
alam na ren nya parts ng body nya like, ears, nose, teeth, head, toes, eyes. ang cheap man, pero alam nya mag wow-wow-wee! hehe. alam na ren nya mag-kiss ng me tunog. sarappp! he loves singing, kahit alang lyrics. basta me mic! he loves dancing, kahit na anong tugtog. (pero hate nya pag nag-a-ala cameron-diaz-in-charlie's-angels-dance ako... ewan ko kung bakit. basta pag nakita nya ko na sumayaw nun, sisigaw na sya!) minsan pag sinabi mo na one, sasabihin nya tu... =) tapos act sya na binibilang ang fingers nya.kilala na ren nya kame lahat sa bahay, kahit sa pictures kaya na nya kame i-identify. alam nya kung para saan ang nail cutter, ang hair brush, ang cellphone, ang walis...bebe ang tawag nya sa tyan ni SIL(preggy).
simple things, pero nakakatuwa marinig at tignan... lumalaki na ang baby ko... unti unti na sya nagiging bata...
huwaaaahhh! I MISS MY BABY!!!
Friday, May 27, 2005
kids... kids.... kids....
kaninang umaga, bago ko pumasok ng opisina dinaanan ko sya na kumakain ng
potato chips.
me : ey, aga aga junk food.
sis : ate, this is potato chips you know.
me : yah i know. it's junk food. kaya tigilan mo yan, mag breakfast ka muna.
sis : ate, this is made out of potato. potato is a vegetable. and vegetable is not junk food.
me : e kung kinukutasan kaya kita?
**my sis is 6yo.
NEW SKIN!!!
accdg to my chatmates, pag daw napalitan mo ang skin mo, para ka na ren nakipag "do". e bakit ganun? hindi naman sumasakit ulo ko after s3x? aiyoh.....
why the change? wala lang... nasawa na ko sa rose fink. parang masyadong tweetums. kaya medyo dinagdagan ko ng kulay. and natuwa ako dun sa ficture ng busy mom...
kunyari busy mom ako... hehehe...
hay madugo ang pagpalit ng skin... kaya malamang eto e magtatagal... hangang siguro maging busy granma na ko... wehehehe.... (as if naman daw blogging pa ko till maging lola na! )
Thursday, May 26, 2005
Tuesday, May 24, 2005
bahuuu...
habang ako e nagco-computer.
mega ire sa aking tabi.
maya maya, sabi nya...
"mommy, bahuuuu!"
sabay turo sa pwet nya.
at ang bahuuuu nga....
ayayay! pamatay!!!
bato bato pick na naman kami nito ni mister kung sino maghuhugas! hehe
GRRRR!
kasi na-promote ako last month, pero hindi yan ang kinaiinis ko, syempre happy ako dyan. hehe. at dahil na promote ako, need ko i-treat ang aking ka-department. pero hindi pa ren yan ang kinaiinis ko. hehe
sa aming department, 3 kami na promote. so tatlo kame magt-treat sa kanila. So opismate S(ung isang napromote den), nakaisip ng nakaka praning na idea. Hire a bus and drive to malaysia. kasi daw cheaper ang food dun. (oo,naisip nyang nakamura sya sa food, pero di nya naisip ung rental ng bus) pero hindi pa ren ako dyan naiinis. hihi
eto na ang kinaiinis ko... si opismate V (ung isa pang na promote den) kinausap ako kaninang umaga. sabi nya, mukha daw tutuloy na sa malaysia. ang sabi ko, depende saken kung kelan. kasi weekend, usually meron kame lakad na family. and 5 araw na ko sa opisina, 2 days na lang sa asawa at anak ko, kaya para saken family first so depende talaga sa sched namen. sabi ko, kung me babayaran, babayaran ko na lang yung share ko sa pag treat sa kanila pero di ako sure na makakasama. aba! aba! aba! sabi ba naman saken.... "they are all keen on going, if you think this is not going to push through, you tell everybody." dahil daw idea ko un. e di nagpanting ang tenga ko. kasi naman nung sinasabi saken ni S un, ang sagot ko lang e "ahhh, ok." tapos ang sabi ni S kay V, e idea daw namen un... DUH!! e ayaw ko ngang sumama ako pa me idea bigla! grrrr!
ayan nasira tuloy ang tweetums image ko sa opis, kasi inaway ko na si V. sinabi ko na, hindi ko un idea,at kung di matutuloy bakit ako sisihin nila. kung gusto nila pumunta e di pumunta sila, bakit ako ang kailangan ipitin. nanahimik ako e, biglang ako ang me kasalanan.
e nasalubong ko pa bigla si S, e di lalo naginit ulo ko. as in, harap harapan ko sya tinanong, "hoy, bakit mo sinabi ke V na idea naten ang pagputna sa malaysia? ikaw ang me idea nyan! sinabi mo lang saken!" deny to death ang S, di daw nya sinabi un ke V. paguuntugin ko na tong dalawang to e.
sasama naman ako kung me time ako, pero para sisihin ako kung di matutuloy un e aba ibang usapan na. isa pang kulit nila saken nito, mag susungit na talaga ko.
Wednesday, May 18, 2005
big and small flo.
nakakainis kasi, dami first time na ginawa ni little flo. inggit ako. =(
nakita ni big flo na marunong na humawak ng pen si little flo ng tama.
tapos first time din kumanta ni little flo.
big flo : twinkle, twinkle little star....
little flo : twinkle, twinkle, twinkle....
waaahhh... inggit ako sa bonding moments nila....
Sunday, May 15, 2005
return of the sith
nagbalik ang magnanakaw. and this time ang na nenok ang aking bike. siyeeettt!
nag bike kasi si kapatid ng umaga. e inabutan sya ng ulan. so hindi nya muna pinasok sa loob ng bahay ang aking bike, dahil nga magpuputik. iniwan nya sa harap namen. tapos natulog sya ng hapon. madaling araw naalala nya yung bike, lumabas sya ng 3am... HUWAAAHHH! wala na ang aking vike! huhuhu. e to think kaka akyat lang namen ni flo ng mga 12am. Buti na lang lumang bike ko ang gamit ni kapatid at hindi ang mga mamahaling bike nila BIL. Syempre pa, nasa amin na naman ang mga fulis kahapon. hihihi. Buti na lang nasa singapore kame, kung sa pinas baka kame pa nasermunan ng mga pulis. hayyy.... =(
***
kaka-tuwa si meg. =) ang robbie nya kasi bobbie. at ang rainbow, bowbow.
kahapon ung rainbow nya naging ainbow na. so lumilinaw na sya magsalita.
so tinuruan ko mag pronounce ng R.
me : rrrrr
little boy : rrrrr
me : rrrr....rainbow
little boy : rrrr....rrrr...rrrr.... ainbow
me : rrrr...rainbow
little boy :rrrrrrrrrr......rrrrrrr.....rrrrrrrrr
me : rrrrr...robbie
little boy : rrrrr.... bobie
me : rrrrr...robbie
little boy : rrrrrrrrrr......rrrrrrr.....rrrrrrrrr
hayyyy....... sige na nga bukas na uli... at least kaya nya sabihin ang rrrr... :p
Tuesday, May 10, 2005
mga natutunan ko ke inay....
Tandang tanda ko pa ang saya at lumbay sa poder ni Inay...lalo na ang mga magagandang lessons na natutunan ko sa kanya!
Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATEA JOB WELL DONE. "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Mga punyeta kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
Natuto ako ng RELIGION kay Inay. "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
Si Inay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anongibig sabihin ng TIME TRAVEL. "Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan,tatadyakan ko kayong todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"
Kay Inay ren ako natuto ng LOGIC. "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC. "Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."
Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano angibig sahibin ng IRONY. "Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano angCONTORTIONISM. "Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?"
Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibigsabihin ng STAMINA. "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos kainin lahat yang gulay mo!"
At si Inay ren ang nagturo sa amin kung anong ibigsabihin ng BAD WEATHER. "Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito: "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
Sa kanya ren ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION. "Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan na parang ate mo!"
Si Inay ang nagpaliwanag sa amin kunganong ibig sabihin ng GRATITUDE. "Mga leche kayo,maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?!"
Sya din ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION. Tangna kang bata ka! Hintayin mong makarating tayo sa bahay...
Si Inay ren ang nagturo sa aking kung ano angHUMOR. "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!"
Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS. "Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya."
Kay Inay din ako natuto ng WISDOM. "Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat."
At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kayInay ay kung ano ang JUSTICE. "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalanginnamin na sana'y matulad sila sa yo...haliparot!"
**taken from a forwarded email**
**promise hindi po ganyan ang nanay ko =) **
Friday, May 06, 2005
Let go and let God.
It was very sudden. And was really the opposite of what we previously planned.
Shocking.
Scary.
Big adjustment.
But now looking at it, it may be the best for us after all.
I may have plans for the next 5years, but somebody up there has others plan for me... and I am letting it be done according to His words.
Friday, April 29, 2005
gamot sa damot...
meron kami ginagamit na "nail" sa paggawa ng roses. e 8 pcs lang un. tapos 20 kame sa klase. sabi ni teacher, habang gumagawa ng ibang flower ang iba, ung iba gawa ng rose. so share share baga.
si classmate damot, e nagawa ng ibang flower. so hindi nya ginagamit ung nail. so sabi ko pahiram. aba ang damot! sabi ba naman saken, gagamitin ko na sya. at binitawan ung ginagawa nyang isang flower kahit di pa sya tapos. at ginamit ung nail. badtrip! inisip ko, pakiramdam ko lang ba na nagdamot sya o madamot talaga sya? oh well, mukang madamot talaga sya kasi ung isang classmate ko na indian, sabi saken "i make 10 roses, then i pass you this nail. ok?" so napansin ren nya na ayaw ako pahiramin ni classmate damot.
tapos hindi lang un, tinawag kame lahat ni teacher para panoorin ung demo nya. so lahat kame naka ikot ke teacher. bumulong saken si indian classmate, "look at that lady, still holding the nail and the other tool even if she is not using it." ang truly, pag tingin ko as in hawak nya yung nail at ung isang tool. ayaw bitiwan! goodness!!! ang damot talaga! hayyyy..... me tao pala talagang saksakan ng damot... HMP! di bale, mas magaling naman ako gumawa sa kanya ng rose! bwahahaha..... (promise, sabi ni teacher i've got the flair! mwahahaha)
as for the gamot sa damot, hende ko alam. hihi... dahil kung alam ko, ginamot ko na sana si classmate damot!
Thursday, April 28, 2005
coffee na lang dear...
misis: breakfast ka na hon...
mister : coffee na lang dear...
hay naku... bakit kaya sila oks lang na coffee na lang? di talaga kaya ng katawan ko ang coffee.
uminom ako ngayon hapon ng half a cup of coffee...sus! nanginig na naman ang aking mga nerves...
speaking of coffee... dati meron kame kaibigan na saksakan ng yabang... wala talagang nerbyos sa katawan... sabi namen, "bakit kaya di ka mamapak ng kape? para naman nerbyusin ka kahit onti?" (papak as in parang milo, hehe) ngayon ko naisip, siyyet kung ako mamapak ng copi powder e siguro nagkikisay na ko dahil sa sobrang nerbyos. hehe
guardian angel....
ako gusto ko na maniwala.
nung 4mo old (or 6mo) si little boy. nahulog sya sa kama. nalaglag sya una ulo. sa tingin ko una ulo kasi nakatiwarik sya ng makita ko. hihi. nung nahulog sya, nag shoot sya dun sa box ng mga pillows na dapat e itatabi ko na. di ko alam kung bakit lagi ko nalilimutan. nagising na lang ako na nakatiwarik sya dun. di naman umiiyak. basta naalimpungatan ako wala na sya sa tabi ko. napabalikwas pa nga ako e. at un nga paa na lang nya kita ko kasi nasa loob na sya ng box. mukha naman hindi hirap kasi tulog pa ren. umiyak lang nung kinuha ko na. kasi siguro naistorbo ang tulog. haha!
nung isang gabi nahulog na naman sya sa kama. bigla ako nagising wala na sya uli sa kama namen. so hinanap ko sya. nakita ko sya sa paanan ng kama, na natutulog sa unan. hehe. nahulog na lang nagsama pa ng unan. mukhang di ren naman ininda ung pagka hulog dahil nga tulog pa ren, umiyak ren lang uli ng binuhat ko. siguro nasira uli ung tulog. (dapat ata nek time hayaan ko nalang magising. hehe)
wala lang, kaya gusto ko na maniwala sa mga guardian angels kasi kung ako mahuhulog sa kama masasaktan pa ren ako. e di lalo na siguro sila. pero ang galing kasi parang hindi sya nahulog, para lang sya lumipat ng higaan.
wala lang, amazed lang. hehe... =)
Wednesday, April 20, 2005
mini me....
ang aking anak, naghihikbi. as in puppy look. naka-kaawa talaga. tapos nag embrace na saken and ayaw na sumama sa daddy nya. tapos, ng kukunin na ng daddy nya, naku nagtampo na. ayaw na sumama, naka pout pa yung lips at talagang super hikbi pa. ang hirap amuin!
manang mana sa ina! hihi.... mini me talaga!
nakakatuwa na kasi, unti unti na namen nakikita kung ano ugali ng little boy. so far, mabait pa sya. madali mapagsabihan, madali nga ren lang magtampo. :p
(pero ang sarap nya pagtampuhin, kasi ang sarap ng embrace nya! hehe)
Tuesday, April 19, 2005
few good men...
1. ng pumasok kame sa church, karga ko kasi ang natutulog na little boy, binigyan ako agad nung dalagita ng upuan... un nga lang tinawag nya kong AUNTIE! (in filipino, ale or manang). hahampasin ko sana ng bigay nyang upuan e, kaso baka bawiin e mabigat si little boy. hehe. pinagtatawanan nga ako ni hubby. pero sabi nya dahil daw karga ko si little boy. sige na nga!
2. ng papunta kame sa labrador park, ung driver nung bus in-explain pa samen ung mga bus stops. kung san maganda bumaba at san ok mag stay. kahit na hirap sya mag english, pinilit nya para i-explain samen.
3. ng nasa mrt kame, meron matanda na gusto magpa-upo ke hubby kasi buhat ni hubby si little boy. bihira kasi sa kanila ang ganyan. normally, care nila sau. kahit na pa buntis ka.
4. ng bumili ako ng water, tinanong ko ung cashier kung meron sila cups. binigyan nya ko, for free pa! bait bait. bihira ang free sa singapore. hehe...
5. nung kumain kame ng kaya toast, kahit na dapat self service, in-assist nila ko. sila nagbuhat ng food ko sa table. buhat ko kasi si little boy. bihira ren un dito. kasi nga, lagi silang care ko sau.
hmmm......... ano kaya meron at mababait sila ng araw na un?
Monday, April 18, 2005
simple joys in life...
kame ay nagsimba ng alas dose, tapos dumirecho sa labrador park.pero bago kame nagpunta sa park e namili muna kame ng food.(pareho kame takot magutom e, hehe) sa takot namen magutom, dami namen binili.si hubby meron yoshinoya at dumplings. ako meron cheesecake ng breadtalk, me subway sandwich at bakwa.bukod pa sa food na yan ang aming kinain na kaya toast! hehe, mga takot talaga magutom.
wala lang muni-muni lang kame sa park habang si meg e naglalasti sa tubig. gusto kasi uminom mag isa sa cup, ayun nabuhusan sya ng isang cup ng tubig. hinayaan namen sya maglaro dun sa tinapon nyang tubig kasi mukha namang nageenjoy sya. naging baby uli itsura ng anak ko kasi naka pampers lang sya sa park, tapos naglalasti. hihi, ang cute!
ng manawa si little boy sa paglaro, kumain na kame ni hubby. then after eating, umuwi na kame. pag dating sa bahay, nood ng onting tv tapos nag-jacuzzi kameng tatlo. nakaka-aliw si little boy kasi tuwang tuwa sa tubig. ako naman ang di natutuwa, kasi panay tilamsik saken ng tubig nung mag-ama! hay, kakukulit. but just the same, nag enjoy pa ren ako.
isa to sa pinaka tipid naming monthsary ni hubby (madalas kasi kame fine dining pag monthsary), pero this is one of the most memorable for me...
2 months na lang pala, 2 years na kame mag-asawa... ang bilis...
Friday, April 15, 2005
baking naman!
yung assistant nung nagtuturo e pinay. sabi nung nagtuturo, uuwi na raw un and will start her own bakery. aba nagtawanan ung mga gaporeans. natameme sila ng sabihin nung nagtuturo na "i am not joking. she is very qualified you know." kala kasi nila normal maid lang ung pinay. buti nalang mabait ung amo nya. kahit maid sila dun, tinuruan talaga sila. ung si grace, marunong na talaga. sayang nga uuwi na sana sya last month, para mag start ng bakery, kaso ung nanay nya naoperahan. so ung pang puhunan nya napunta sa pang opera. sad =( oh di ba, makipag chismisan ba daw ako in between the rossettes. hehe...
next week gagawa kame ng keyk. at syempre, ambisyosa ko. magbbday ang aking sil, mama at papa sa may. mag-mamaganda ko. ako gagawa ng keyk nila. hehehe... naway maging keyk. last time nag try ako ng merengue, naging pudding e. hihihi
Wednesday, April 13, 2005
and a one.... and a two...
so may-i-tulak ako ng bike ni little boy. ang aking anak naman e prenteng prente sa pagkakaupo. wala pa ata ako 50 steps, e naku si little boy nahipan ng hangin! inantok. ung ulo nya, babagsak bagsak kada step ko. titirik tirik pa mata, dahil pinipigilan nya makatulog. hangang sa sumubsob na ulo nya sa bike. inangat pa nya uli ulo nya at hinawakan ang umpog nya, pero di na nya talaga kaya pigilin ang antok. so as ulirang nanay, alangan naman hayaan ko magkanda untog untog anakis ko. di binuhat ko na! WRONG MISTAKE! siyetttt..... ang hirap pala magbuhat ng 10kg na bata at magtulak ng bike at the same time. grabe, mas marami pa ata ako ipinawis sa asawa ko! di naman ako makabalik sa bahay dahil usapan namen ni hubby na magme-meet nga sa playground. syempre, para mas perfect scenario di namen dala pareho fon namen. so ayun, habang buhat ko si little boy kinakaladkad ko ang bike (it was more of binabalibag ko na ung bike...) at syempre pa, gumising na anak ko ng binuhat ko pero ayaw na nya bumalik sa bike. WAAAAHHH! oh well, makita ko naman ung ngiti ng anak ko pag nagsslide at nags-seesaw e kahit buhatin ko pa ung bike nya pabalik. (HINDI RIN!)
kamalas malasan pa, naabutan kame ng malakas na ulan. e di nag stay kame sa ilalim ng hdb hangang tumila ang ulan. pinagod namen si little boy, kaya naman ayun pag tulog e ngingisi ngisi...
the joys... (and the katangahan) of being a mother.... =)
Tuesday, April 12, 2005
here comes the bride....
YAIKS! nalula ako, ang daming gown. (pero di kasing ganda ng mga gown sa pinas.) tinanong ako ni hubby kung next time daw ba eh kasama ko sya sa pagpili ng actual gown. ask ko, ayaw ba nya makita na suot ko ung gown ko before the wedding? hindi daw, ang tagal ko daw kasi. NGEK! kala ko naman me pamahiin. inip lang pala.
ang kulit nga ni auntie na nagaasist samen. sabi nya, muka daw ako mataba kung tube yung gown ko. sabi ko, "auntie you ha! befoh i sign the contract you call me beautiful gel. now, you call me fat!" hihihi, nataranta si auntie. sabi nya "no. no. no. yoh not fat meh. will look fat lah!" wehehehe.... tuwang tuwa pa sya ke hubby kasi daw naughty boy. pano naman kasi, sabi ni hubby muka ako hongkong actress. naaliw si auntie. hihi...after 8 gowns, ako ren ang sumuko. pero nakita ko na ung gown na babagay ang cut saken. after ko magsukat, nag dinner kame then uwi na.
habang nasa MRT, napag-usapan naman ang wedding rings.bibili kasi kame ng bago. ask ni hubby kung pano daw un? sabi ko, pag lalabas kame, pareho kame ng suot. kung ano feel namen suot that day, basta dapat pareho. sabi nya, suot daw kaliwa't kanan. para daw talagang pinangangalandakan na kasal na kame. with kanta pa sya na "kasal na ko! kasal na ko!" at me kasama pang sayaw! tawa ko ng tawa. sabi ko nakakahiya ka.. sabi nya, bakit malakas ba boses ko? sabi ko, hindi. pero ung sayaw mo kita nilang lahat! mukha ngang nagulat ung mama sa tabi nya kasi bigla sya nagiindak. hehehe.... oh how i love this man! (asawa ko ha, di yung mama sa tabi nya) he never fails to amuse me.
Saturday, April 09, 2005
may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay.
april 1, masyado kame maingay. we are celebrating BIL's bday. at medyo na carried away ang mga bisita, masyado silang naging maligaya at maligalig. ala una na ng madaling araw, e rinig pa ren ang kanilang halakhakan. e ang mga singaporean, masyado vinavalue ang katahimikan. kaya ayun kame e nareklamo sa mga kinauukulan. well, sabi lang naman ni police officer.... "please turn the volume down..." eh ano pa ba masasabi nya sa dalawang 6 year old na nagkakaraoke at nakanta ng twinkle twinkle little star. (ang mga manginginom kasi nasa likod bahay. hihihi) well, it was really our fault. so sorry our dear neighbors. minsan lang naman kame sa isang taon kung mag party. (oh well, once a month. )
april 9 - low crime doesn't mean no crime. yan ang slogan ng singapore. hehe, di pa kasi pinaniwalaan. ayan tuloy. between, 4am ng umaga (oo ng umaga, kasi wala naman 4am sa hapon)and 9am, kame ay nanakawan. ang mga shoe rack kasi namen e nasa harap lang ng bahay. there are 5 units of apartment pa naman bago samen. aakalain ba namen na papasok pa sya sa looban. WAAAAAHHHH! nakuha ang regalo ko na basketball shoes ke hubby. t-mac adidas. plus 2 adidas basketball shoes pa. (hmmm.... fan sya ng adidas ha!) buti na lang di nya kinuha ung bago kong gift ke hubby na nike. e sa china ko pa un nabili at wala nun dito sa singapore. ang damuhong magnanakaw, dito pa nagpalit ng shoes! dahil ang kanyang lumang shoes e iniwan nya sa labas... in fairness, adidas den ang iniwan nya! mwahahaha..... bweset.
oh well,charge it to experience. sabi nga ni hubby," alright! mapapalitan na ung basketball shoes ko. mabibilhan na naman ako ni mahal!" grrr! sapatusin ko kaya sya???
Monday, April 04, 2005
ever bliss....
hayyyy.... pano ba nangyari?
dati ko pa kasi sinasabi sa aking hubby na tignan namen packages ng mga bridal shops dito... one time nakita namen ung ever bliss sa isang exhibit. inaya ko si hubby para maki-usi. sabi ko ung packages 3k. (Sagot nya 3k???!!!!) ayaw nya daw, why spend 3k for pictures. so clearly di nya priority ang pictures. kalat lang daw un. (guilty po ako, nakakalat kasi mga pictures sa bahay para sa scrapbooking ko.) And ayaw daw nya na rented ko lang ung gown ko. So ok, ayaw ni hubby. Case closed.
Then, nung friday morning thru yahoo messenger sabi nya saken... "yung officemate ko kumuha ng photography package, 3K LANG." DUH???? ang 3k ba nya, e iba sa 3k ko? Hay naku, mga mister talaga, pag misis nagsabi kala nila laging gastos. HMP! E di tinanong ko na ren kung anong studio un, ever bliss daw. DOUBLE DUH!!! Hay naku, me matotoktokan pag uwi.
Then nung hapon, nag jalan jalan(pasyal pasyal) kame. Dapat magtataxi na kame, e umiral ang aking pagka -cory so sabi ko bus na lang kame. Pag daan namen ng bus stop, AIYOH! andun ang ever bliss. hehe... So sabi ko tara, tignan naten ang package nila. WRONG MISTAKE! siyetttt.... na sales talk kame ni auntie... tawagin ba naman akong beautiful girl e! hehehe.... pero kasi na compare namen ung package nung ka-opisina ni flo. mas mura samen ng $400, mas marami pang kasama. so okay na ren. nagdeposit kame ng $800. dun ata ako nabigla. as in ang init ng mukha ko papunta sa taxi stand. (uh huh, nag taxi ren kame. praning talaga!) nakakahiya pa dahil inistorbo ko si pazette(wowie), para itanong lang kung tama ba ung desisyon namen. hayyy. pero tapos na. isipin ko na lang na tama na nga ung ginawa namen.
-inclusions
wedding gown and accessories - rentals (pag di ko kinuha, minus $100 pa sa package.)
evening gown - di ko kukunin, papa change ko to MOH gown
flower girl gown
4 suits
bridal car with deco
bridal boquet
photographer (300 photos)
make-up - 1 trial, 2 actual day.
mukhang oks na ren... pero hayyyy pa ren...